DAGDAG SINGIL | Panibagong oil price hike, nakaamba!

59

Nakaamba na naman ang panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Posibleng kasing aabot sa P0.60 kada litro ang dagdag sa presyo ng gasolina.

Aabot naman sa P0.20 ang dagdag presyo sa bawat litro ng diesel at ganoon rin sa presyo ng kerosene o gaas.

Ito na ang ika-anim na sunod na linggo na nagpatupad ng oil price hike ang mga oil companies.

Ang panibagong dagdag-presyo sa petrolyo ay bunga pa rin ng mahal na halaga ng fuel products sa world market at patuloy na paghina ng halaga ng piso laban sa dolyar.

Facebook Comments