Posibleng aabutin pa ng isang linggo ang clearing operations sa mga kalsadang natabunan ng landslides dahil sa pananalasa ng bagyong Usman.
Sa ngayon, minamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paglilinis ng mga kalsada para mapabilis ang pagdadala ng mga relief goods sa mga isolated areas.
Sinabi ni DPWH Undersecretary Rafael Yabut, kabilang sa mga natabunang kalsada ay nasa bayan ng Sta. Elena at Labo sa Camarines Norte, bayan ng Tiwi sa Albay at Daang Maharlika sa Camarines Sur.
Sa interview ng RMN Manila kay Albay Office of the Civil Defense Regional Director Claudio Yacot – lubog naman sa baha ang national highway sa probinsya ng Bikol papuntang Matnog, Sorsogon.
Nabatid na umaabot sa P175 million ang inisyal na pagtaya nila ng halaga ng mga nasirang imprastruktura sa pananalasa ng bagyong Usman.
Sa ngayon, sa pamamagitan ng bangka tatangkain ng mga rescuers marating ang mga isolated areas dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa sa Bicol Region.