Halos 7,000 pulis, ipapakalat sa Pista ng Itim na Nazareno

52

Halos 7,200 na mga pulis ang ipapakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa seguridad ng Pista ng Black Nazarene sa January 9.

Ayon kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, sa nasabing bilang, mahigit 2,000 ang mula sa Manila Police District (MPD) at 5,000 ay mula sa ibang himpilan ng pulisiya at sa Regional Mobile Force Battalion.

Magpapalabas din aniya ng traffic advisories ng mas maaga para maabisuhan ang mga maaapektuhang motorista.

Sabi pa ni Eleazar, pinag-aaralan pa nila kung magpapatupad ng shut down sa mobile phone signals.

Pero tiyak na aniya na magpapatupad ng “no fly zone” at “no sail zone”.

Facebook Comments