Clearing operations sa Marikina, nagpapatuloy

Tiniyak ni Mayor Marcy Teodoro ang tuloy-tuloy na clearing operations sa buong lungsod ng Marikina.

Kaugnay nito ay humingi ng paumanhin si Mayor Marcy sa mga lugar na naaantala ang clearing operations.

Ayon kay Teodoro, marami pang dapat linisin at i-clear matapos ang nangyaring matinding pagbaha at pananalasa ng bagyo noong Nobyembre.


Tiniyak ni Teodoro na kahit gabi ay magtatrabaho ang pamahalaang lokal para malinis ng lubos ang buong lungsod sa lalong madaling panahon.

Diin ni Mayor Marcy, mahalaga rin ang pagtutulungan ng lahat para ito ay agad makamit.

Facebook Comments