Cleveland Cavaliers, panalo sa game 1 ng Eastern Conference Finals kontra Toronto Raptors

34

NBA – Tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Toronto Raptors sa game 1 ng eastern conference semifinals sa NBA.

Nanalo ang Cavs sa score na 116-105 kung saan naguna sa panalo si Lebron James na may 35-points at 10-rebounds habang 24-points at 10-assist ang nai-ambag ni Kyrie Irving.

Ayon kay James, matinding depensa at balanseng opensa ang naging susi nila sa panalo sa game 1 pero kanila pa din paghahandaan ang susunod na laro dahil siguradong babawi at pipilitin maitabla ng Toronto ang serye.

Panalo din ang Houston Rockets kontra San Antonio Spurs sa game-1 ng Western Conference Semifinals.

Tinalo ng rockets ang Spurs sa score na 126-99 kung saan nanguna sa panalo sina Trevor Ariza na may 23-points at James Harden na may 20-points.

DZXL558

Facebook Comments