Cleveland Cavaliers, wagi sa game 4 ng Eastern Conference Finals kontra Boston Celtics

Manila, Philippines – Nakaresbak sa game 4 ng Eastern Conference Finals ang Cleveland Cavaliers kontra Boston Celtics.

Sa iskor na 112-99, nasungkit ng Cavs ang ikatlo nitong panalo sa pangunguna ni kyrie irving bitbit ang playoff-high na 42 points.

Nakapag-ambag naman ng 21 points si Lebron James habang 17 points mula kay Kevin Love.


Sa postgame interview, sinabi ni Lebron na nagsilbing aral sa kanila ang pagkatalo sa game 3 kaya ginawa talaga ng koponan ang lahat para makabawi sa game 4.

Samantala, bukod kay Lebron, pinuri rin ni Cavs head Coach Tyronn Lue ang magandang performance ni Kyrie Irving habang tinawag niyang “best outlet guy” ng koponan si Kevin Love.

Sa Biyernes (May 26), muling maghaharap sa game 5 ng NBA playoffs ang Cavaliers at Boston Celtics.
DZXL558

Facebook Comments