Manila, Philippines – Hiniling ng Climate Change Commission ang suporta ng mga local executive sa mga ipatutupad na hakbang para labanan ang epekto ng climate change sa bansa.
Ayon kay Veronice Victorio, nakatakda nilang isumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isang project proposal para sa mga programang ipatutupad sa mga lalawigan na madalas daanan ng landslides, flashfloods at iba pang kalamidad na dulot ng nasisirang kalikasan.
Nais aniyang makatiyak ng komisyon na lahat ng gagawing hakbang ay makatutulong sa anti-poverty efforts alinsunod sa mga environmental policy.
Umaasa rin si Victorio na mararatipikahan ng senado ang Paris Agreement on Climate Change para makakuha ng climate funds.
Facebook Comments