Clinical trial ng ilang herbal medicines kontra COVID-19, nakitaan ng magandang resulta

Nakakabawas ng sintomas ng mild COVID-19 cases ang mga herbal medicines na lagundi at tawa-tawa.

Ito ang naging paunang konklusyon ng Department of Science and Technology sa katatapos lamang na clinical trial sa nasabing herbal medicines.

Ayon kay DOST undersecretary Rowena Guevarra, bumalik ang pang-amoy ng ilang pasyenteng gumamit ng lagundi at nakapagbigay rin ito ng pangkalahatang ginhawa sa mga pasyenteng nakaranas ng discomfort dahil sa mga sintomas.


Habang nawala ang sintomas ng nasa 172 random COVID-19 positive na gumamit ng tawa-tawa bilang food supplement sa loob lamang ng 3 hanggang 5 araw.

Kabilang sa mga sintomas na napagaling ng tawa-tawa ay lagnat, panginginig, pananakit ng katawan, at ubo.

Samantala, bumaba naman ng 60 hanggang 90% ang virus count sa COVID-19 mild cases sa isinagawang community trials ng virgin coconut oil (VCO)

Umikli rin ng hanggang sa 5 araw ang paggaling ng mga pasyenteng gumamit ng VCO.

Facebook Comments