Close fishing season sa tawilis, dapat nang maipatupad sa Pebrero – ayon sa BFAR

Manila, Philippines – Dapat nang maipatupad ang close-fishing season sa tawilis bago mag-Marso.

Ito ang sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kasunod ng ulat na endangered o nauubos na ang isdang tawilis sa Taal Lake.

Sa interview ng RMN Manila, nanindigan si BFAR Usec. Eduardo Gongona na nauubos na talaga ang tawilis.


Katunayan aniya, sa nakalipas na sampung taon, may record sila na bumaba ang Tawilis production sa bansa.

Dahil dito, irerekomenda ng BFAR sa Department of Environment and Natural Resources na sa Pebrero pa lang ay ipatupad na ang fishing ban.

Tiniyak naman ni Gongona na aayudahan ng gobyerno ang mga mangingisdang mawawalan ng hanapbuhay dahil sa close-fishing season.

Facebook Comments