Isa sa mga suspek sa Jolo twin bombing, tukoy na ng PNP

Sulu – Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang isa sa mga person of interest sa twin bombong sa Jolo Cathedral sa Sulu kahapon.

Kinilala ng PNP ang suspek na si alyas “Kamah” – kapatid ng Abu Sayyaf leader na si Surakah Ingog.

Si Kamah ay kilala rin bilang bomb maker ng ASG.


Base sa CCTV footage, bago ang pagsabog ay nakita sa paligid ng simbahan si Kamah kasama ang iba pang suspek.

Samantala, batay sa inisyal na ulat ng EOD team, electronically detonated ang ginamit na Improvised Explosive Device dahil sa timing ng pagsabog nito.

Sa ngayon, wala pa ring ebidensya na kagagawan ng suicide bomber ang pagsabog.

Facebook Comments