Closed season sa Northern Palawan, tinanggal na

Tinanggal na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ipinatupad na tatlong buwang closed fishing season sa Northeastern Palawan.

Ipinagbabawal sa panahon ng closed season ang paggamit ng purse seine o pangulong, ring net – kubkob, pangulong, kalansisi, bag net- basnig, saklit at trawl-galadgad sa panghuhuli ng galunggong.

Magugunita na noong 2015, nagkaroon ng joint agreement ang fisheries sector at ibang stakeholders para sa closing fishing season sa loob ng conservation area sa Northeastern Palawan na magsisimula mula November hanggang January kada taon upang makapagparami ng species ng “galunggong.”


Kasunod na rin ito pag-apruba ng Department of Agriculture (DA) sa pag-import ng 60,000 metric tons ng galunggong upang tustusan ang suplay ng galunggong sa first quarter of 2022.

Facebook Comments