Cloud seeding operations sa Angat Dam, inumpisahan na

Inumpisahan na ang cloud seeding operations upang mapataas ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevilo David Jr., katuwang ng Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa pagsasagawa ng cloud seeding operations nitong Linggo.

Target aniya nitong mapataas pa sa 180 meters na minimum operating level ng dam.


Kahapon ay nasa 190.94 meters na ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Ang Angat Dam ang pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila, power generation sa Luzon grid at irigasyon sa mga taniman sa Bulacan at Pampanga.

Facebook Comments