Coach Chot Reyes, hindi pa makapag-desisyon ng final 12-man line-up

Sports – Hindi pa rin makapag-desisyon si National Headcoach Chot Reyes ng kaniyang final 12-man line-up ng gilas pilipinas na siyang sasabak sa FIBA world cup qualifiers.
No show pa rin kasi ang naturalized player na si Andray Blatche sa mga practices ng national team lalo na ang katatapos na three day training camp nila na ginanap sa Tagaytay.
Inaasahan na darating si Blatche bukas (November 18) matapos ang huling laro ng kaniyang koponan na Xinjiang flying tigers sa Chinese Basketball Association (CBA).
Una naman makakaharap ng Gilas Pilipinas sa opening game sa November 24 ang national team ng Japan.

Facebook Comments