4 na hinihinalang tulak ng droga – timbog sa magkasunod na operasyon sa Los Baños, Laguna

Manila, Philippines – Apat na hinihinalang tulak ng droga ang nahuli sa magkasunod na operasyon sa Los BaƱos, Laguna.

Nakilala ang apat na sina Julius Arlegui, Aljerreu Bautista, Jonathan Christopher Tejero at Arsenio Guardiano.

Unang nadakip sina Arlegui at Bautista kung saan hawak na ng pulisya ang cellphone ng mga ito nang may nag-text na isang lalaki na kukuha ng supply ng droga.


Ginamit ng pulisya si Arlegui at matapos na iabot ang droga ay agad na dinampot si Tejero at kasama nitong si Guardiano.

Itinanggi ng apat ang pagbebebenta at sinabing gumagamit lamang sila ng droga pero narekober sa kanila ang aabot sa P20,000 halaga ng shabu.

DZXL558

Facebook Comments