Cobra Squad ng BCPO sa Batas Trapiko!

29

Baguio, Philippines – Mangunguna sa paghuli ng mga iligal na nagpaparada at mga walang disiplina sa kalagitnaan ng trapiko tuwing rush hour ang 12 man team ng Baguio City Police Office o mas kikilalanin bilang Cobra Squad. 

Ang grupo ay magsisilbi din quick response team ng BCPO sa mga biglaang trapiko sa syudad sa mga oras na magsisimula ang mabigatang trapik.


Sinisigurado ng BCPO na magiging mas maayos ang daloy ng trapiko sa ilang mga lugar sa lungsod lalo na sa Central Business District kung saan madalas ang mabigat na trapik sa pang araw-araw, ngunit hinihikayat at inaasahan din ng pulisya na dapat ay sumunod ang mga motorista at mga dribers sa tamang disiplina at asal sa kalsada para hindi sila mahuli ng otoridad.

iDOL, maging disiplinado at sumunod sa batas trapiko!

Facebook Comments