Paslit, patay matapos malunod sa swimming pool

316

PHUKET, Thailand – Binawian ng buhay ang 3-anyos paslit nang malunod ito matapos aksidenteng mahulog sa swimming pool sa isang water park.

Ayon sa report, Linggo ng hapon nang mangyari ang insidente habang nasa Blue Tree Water Park ang biktimang si Bobby Watson kasama ang kanyang pamilya.


Kwento ni Sumitra Watson, 35, ina ni Bobby, nadulas ang kanyang anak at nahulog sa landing area hanggang sa pumailalim at lumubog sa naturang pool.

Agad daw umaksyon ang mga lifeguards ng park para masagip ang anak at nagsagawa ng CPR bago pa man dumating ang ambulansya.

Makailang saglit ay isinugod ang bata sa Thalang Hospital ngunit sa kasamaang-palad ay hindi na ito naisalba ng mga doktor.

Labis naman ang pamimighati ng mga magulang nito na naiulat na hindi umano tumitigil sa pag-iyak.



Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang naturang park sa trahedyang nangyari.


Matinding pagdadalamhati daw ang kanilang nararamdaman sa pagkamatay ni Bobby.

Gayon pa man, sinisiguro raw nila na highly-trained ang kanilang mga lifeguards lalo na sa mga pwestong mas kailangan umanong matahan.

Nangako rin silang magbibigay ng suporta sa naiwang pamilya ng biktima.

Facebook Comments