Manila, Philippines – Pinapayagan ng Comelec ang pagdaraos ng mga programa ng mga supporter ng mga pulitiko sa labas ng kanilang tanggapan sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila.
Inihayag ito ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa harap ng tila rally na isinagawa ng mga miyembro ng Makabayan Bloc sa harapan ng Comelec nang maghain ng Certificate Of Candidacy (COC) si Atty. Neri Colmenares.
Paliwanag ni Jimenez, hangga’t hindi magulo at naapektuhan ang proseso ng paghahain ng kandidatura ng mga pulitiko ay hindi nila ipagbabawal ang pagdaraos ng mga programa sa labas ng Comelec.
Samantala, bantay sarado rin ng mga pulis mula sa Manila Police District (MPD) at NCRPO ang paligid ng Palacio del Gobernador para tiyakin ang seguridad ng mga dadagsa sa Comelec ngayong unang araw ng paghahain ng COC ng mga tatakbo sa 2019 midterm elections.