Coconut flour, gagamiting alternatibo sa wheat flour; Coco pinoy pandesal, ilulunsad sa June 28

Nakatakdang gumamit ang samahan ng mga magtitinapay ng coconut flour bilang alternatibo sa wheat flour.

Sa gitna ito ng nagbabadyang pagtaas sa presyo ng harina bunsod ng nagpapatuloy na Russia-Ukraine war, ipinatutupad na export ban ng India at pagpasok ng panahon ng tag-init sa Amerika na mga bansang pangunahing pinagkukunan ng suplay ng Pilipinas ng naturang produkto.

Bukod sa coconut flour, ikinokonsidera rin ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) bilang pamalit sa wheat flour ang harinang gawa sa saging, kamoteng gabi, kamoteng kahoy at sweet potato.


Ayon naman kay Department of Trade and Industry (DTI) Asec. Claire Cabochan, makatutulong ang paggamit ng raw materials na nanggaling mismo sa Pilipinas upang hindi tayo maging dependent sa importasyon.

Kasabay nito ay kinumpirma niya ang paglulunsad sa “coco pinoy pandesal” sa June 28 katuwang ang DOST-FNRI, Department of Agriculture, Philippine Coconut Authority, VCO Philippines, at ang Philippine Baking Industry Group.

Kamakailan lang nang ipakilala ng DOST-FNRI ang sweet potato enhanced nutribun o e-nutribun gamit ang sweet potato bilang pangunahing sangkap.

Facebook Comments