MISTER, SINAKSAK UMANO NG KANIYANG MISIS MATAPOS MAKISUYO NA ABUTAN ITO NG KANIN

21
Isinugod sa ospital ang isang mister sa Sto. Domingo Ilocos Sur matapos umano itong saksakin ng kanyang sariling misis.
Sa imbestigasyon ng awtoridad, nangyari ang insidente habang naghahapunan ang dalawa.
Nakisuyo umano ang biktima na abutan siya ng kanin ngunit agad namang galit ang kanyang misis na kumuha ng kutsilyo at sinaksak ang kanyang mister sa tagiliran.

Sa ngayon ligtas na ang biktima at kasalukuyang nagpapagaling dahil sa natamo nitong sugat.
Ayon sa kaanak ng suspek maaring dumaranas ito sa problema sa pag-iisip. | ifmnews
Facebook Comments