Hinimok ng Department of Health (DOH) ang bawat pamilya na magpatupad ng cocoon strategy sa bakunahan.
Sa presscon sa Malakanyang, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na ang cocoon strategy ay ang pagbabakuna sa lahat ng adult sa isang pamilya para maprotektahan ng mga ito ang mga bata sa kanilang tahanan.
Paliwanang ni Usec. Vergeire, kapag bakunado ang mga nakatatanda sa bahay, mas mababa ang tyansang magka-COVID ang mga bata.
Pero paalala nito, hindi dahil nabakunahan na ang mga nakatatanda ay magpapabaya na sa pagsunod sa minimum public health standard.
Mas kailangan aniyang magkaroon ng disiplina ang mga nakatatanda at istriktong sundin ang mga patakaran ng pamahalaan sapagkat sila mismo ang magbibigay proteksyon sa kanilang mga anak laban sa COVID-19.