Manila, Philippines – Kinumpirma nina Foreign Affairs Spokesman Asec. Robespierre Bolivar at Presidential Spokesman Harry Roque na nagkasundo na ang mga lider ng ASEAN, pati na ang China na simulan na sa susunod na taon ang pag-uusap tungkol sa code of conduct.
Nabatid na ibabase ito sa framework o balangkas na napagkasunduan ng mga foreign minister nitong Agosto.
Mas palaban na kasi ang posisyon ngayon ng ASEAN tungkol sa South China Sea.
Batay sa draft common statement sa ASEAN-China dialogue relations, hindi na ipagwawalang bahala ng ASEAN ang mga bagong pangyayari sa south china sea kahit pa kalmado sa ngayon ang sitwasyon sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Sa bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jin Ping sa Vietnam, tiniyak ng China na pananatilihin nito ang freedom of safe navigation sa South China Sea hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang mga bansa.
Nag-alok naman si US President Donald Trump na maging taga-pamagitan.