Manila, Philippines – Bumaba na sa 300 million Most Probable Number (MPN) ang fecal coliform level sa Estero de San Antonio De Abad sa Maynila mula sa higit 1 billion MPN.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, ang malaking improvement sa lagay ng tubig sa Estero de San Antonio de Abad ay dahil sa pagsasara sa Manila Zoo at commercial establishments sa lugar.
Nakatulong rin aniya para mapababa ang fecal coliform level sa Estero de San Antonio de Abad ay ang inilagay na septic tank para sa mga dumi ng informal settlers na nakatira sa paligid nito.
Pagtitiyak ni Cimatu, lalagyan rin nila ng mga septic tank ang ibang informal settlers na nakatira sa paligid ng estero habang naghihintay ng relokasyon.
Facebook Comments