Ihihinto na ng College of Holy Spirit of Manila ang operasyon nito sa katapusan ng school year 2021-2022.
Ito ang inanunsyo ng administrasyon dahil sa pahirapang maitaas ang enrollment bunga ng COVID-19 pandemic.
Sa Facebook post, boluntaryo nilang ititigil ang kanilang operasyon pero pahihintulutan nilang maka-graduate ang mga kasalukuyang Grade 11 at 3rd Year College Students.
Sa circular letter na ipinadala sa mga magulang at school administrators, maraming hamon ang kinakaharap ng eskwelahan sa nakalipas na 10 taon.
Ang polisiya ng gobyerno hinggil K-12, free tuition sa state-run education institutions at pagtaas ng sahod ng public school teachers ay nakaapekto sa enrollment figures.
Ang CHSM ay itinatag bilang primary school ng Missionary Sisters Servant of the Holy Spirit noong 1913.
Una nang sinabi ng Department of Education (DepEd) na higit 800 private schools ang nagsuspinde ng operasyon bunga ng pandemya.