Isang van na galing sa Metro Manila na may sakay na 13 katao na patungo sanang Alcala, Cagayan ang nahuli sa checkpoint.
Sa pakikipag-ugnayan ng LTFRB Enforcers, napag-alaman na ang nahuling van ay naningil nang nasa 15,000 pesos na kabuuang pamasahe.
Mahigpit naman ang direktiba ni LTFRB Regional Director Edward L. Cabase na hindi nila kukunsintihin ang mga colorum na sasakyan.
Tiniyak din ng opisyal na mahaharap sa kaukulang parusa ang sinumang mahuhuli.
Muli namang nanawagan ang ahensya sa mga commuters, sumakay lamang sa mga lehitimong pampublikong sasakyan upang maiwasan ang aberya sa daan.
Impounded na sa tanggapan ng LTFRB Region 2 ang nahuling van para sa kaukulang disposisyon habang ligtas namang naipasakay sa lehitimong namamasadang sasakyan ang mga pasahero nito.