MANILA – Nais paimbestigahan ni Sen. Leila De Lima ang ‘Comeleak’ o yung leak sa website ng Commission on Elections ng mga personal na impormasyon ng 55 milyong rehistradong botante.Ayon kay De Lima, kailangang matukoy kung gaano kalawak ang naging epekto sa seguridad ng datos at privacy ng mga botante, lalo na’t lumabas sa isang website noong April 2016 ang mga pribado nilang impormasyonDapat din aniyang mapanagot ang mga nasa likod ng data breach… Pilipino man ito o dayuhan.Una nang inirekomenda ng National Privacy Commission o NPC na maharap sa kasong kriminal si COMELEC Chairman Andres Bautista dahil sa paglabag sa data privacy act.Ito ay bunsod ng kawalan ng proteksyon sa mga naturang impormasyonAyon naman sa poll body, bukas sila sa anumang imbestigasyon.
Comeleak, Nais Paimbestigahan Ni Sen. Leila De Lima
Facebook Comments