COMELEC, binago ang guidelines sa gun ban exemptions

Binago ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga panuntunan sa gun ban exemptions at pagkuha ng security personnel para sa 2022 election.

Ayon kay COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan, napagkasunduan nila sa en banc na magpatupad ng “decentralization” o pagbibigay kapangyarihan sa mga regional director at election officers na aprubahan ang gun ban exemptions application.

Sa kasalukuyan kasi ay sa Central Office ng COMELEC sa Intramuros, Maynila pa isinusumite ang gun ban exemptions application.


Aniya, inaprubahan din sa en banc ang pagbibigay ng awtomatikong exemption sa mga mahistrado, hukom, at tagausig kasama na ang Ombudsman.

Binigyan naman ng COMELEC ng isang linggo ang Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC) para plantsahin at isapinal ang inilatag na pagbabago.

Facebook Comments