Mga Pilipinong napauwi mula Ukraine, nasa halos 400 na – DFA

45

Umabot na sa 394 na mga Pilipino ang napauwi na sa bansa mula sa Ukraine hanggang nitong March 29.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola, nasa 40 na mga Pilipino naman ang na-evacuate at naialis sa danger zones sa gitna ng kagulauhan sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Aniya, 30 seafarers din ang panibagong dumating sa bansa mula Ukraine kung saan sakay ang mga ito ng MV Ithaca Prospect, MV Filia Joy, at MV Nord Virgo.


Paliwanag ni Arriola, na-evacuate ang mga ito sa Moldova sa tulong na rin ng Philippine Honorary Consulate sa Chisinau at ng Philippine Embassy sa Budapest, Hungary.

Facebook Comments