MANILA – Kinuwestyon ni COMELEC Chairman Andres Bautista ang inilabas na findings ng National Privacy Commission (NPC) kung saan pinapanagot ito naganap na “Comeleak” noong taong 2016.Giit ni Bautista, kahit anung pribadong kompanya at departamento ay hindi naman nakakaligtas sa hacking.Paglilinaw pa nito, na sa panahong nahacked sila wala pang Implementing Rules and Regulations o IRR ang NPC pagdating sa data privacy kaya wala silang masundang panutunan.Ito rin anya ang dahilan kaya hindi sila kakapag-appoint ng data protection officer.Matatandaan, buwan ng Marso 2016 nang magleak ang ilang vital informations ng halos 80 milyon botante.Sa 35-pahinang desisyon, sinabi kahapon ng NPC na may sapat na ebidensya para kasuhan si Bautista ng paglabag sa data privacy act.Ayon kay NPC Deputy Commissioner Atty. Ivy Patdu – nakumpromiso ang ilang mahahalagang detalye ng mga botante dahil sa kapabayaan ng pinuno ng poll body.Dahil ditto, maghahain ng apela ang comelec sa NPC pero nasa kamay na ng Dept. of Juctice kung anu ang gagawin sa rekomendasyon ng NPCDahil tulad ng pangulo, impeachment lang ang pwedeng magpaalis sa chairman ng COMELEC.
Comelec Chairman Andres Bautista, Maghahain Ng Apela Sanational Privacy Commission Matapos Ang Rekomendasyon Na Kasuhan
Facebook Comments