Comelec Commissioner Guanzon, pursigidong kasuhan si Ronald Cardema ng Duterte Youth Party-list

Desidido si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na kasuhan si dating Youth Commissioner Ronald Cardema kasunod ng mga akusasyon nito laban sa kanya.

Gayunman, sinabi ni Guanzon na sa susunod na taon pa niya isasampa ang kaso upang hindi siya mapilitang mag-inhibit sa disqualification case ni Cardema sa Comelec.

Plano aniya niyang ihain ang kaso sa kanyang hometown sa Cadiz City, Negros Occidental.


Hinamon din ni Guanzon si Cardema na buksan ang kanyang bank books.

Muli ring pinabulaanan ni Guanzon na may inutusan siyang kongresista upang manghingi ng pera kay Cardema kapalit ng pagboto pabor sa pag-upo nito sa party-list.

Facebook Comments