COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, inakusahan ng pangingikil ni dating NYC Head Ronald Cardema!

Inakusahan ni dating National Youth Commission (NYC) Head Ronald Cardema si Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na pangingikil.

Sa press conference kahapon ibinunyag ni Cardema na nanghingi ng P2-Milyon ang kampo ni Guanzon kapalit ng pag-apruba sa accreditation ng Duterte Youth Partylist Group.

Aniya  isang emisaryo na Congresswoman ang humingi ng pera at ilang pabor para pumayag ang Commissioner na aprubahan ang accreditation ng grupo noong May Elections.


Dagdag ni Cardema, humingi pa ng tulong ang kongresistang emisaryo ni Guanzon para sa appointment ng isang abogado para maging hukom ng Regional Trial Court sa Iloilo.

Kaugnay nito, nagpasaklolo si Cardema kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Korte Suprema para tingnan ang alegasyon niyang extortion laban sa Commissioner.

Mariin naman itinanggi ni Guanzon ang akusasyon ni Cardema.

Facebook Comments