Manila, Philippines – Bumuo na ang Commission on Elections (Comelec) ng Comelec Control Committee (CCC) na siyang tututok sa mga lugar na nasa ilalim ng kanilang kontrol.
Base sa Resolution No. 10501, ang committee ay binubuo ng chairperson, na siyang commissioner ng poll body; vice chairperson, na isang poll commissioner; kinatawan mula sa PNP, AFP at project management office para sa elections.
Ang CCC ay may authority sa pagbuo ng special task force team.
Ang team naman ay binubuo ng mga kinatawan mula sa DILG, Comelec Field Office o Office of the Election Officer, PNP Regional Director, AFP Division o Brigade Commander at Regional Election Director.
Sa ilalim ng batas, ilalagay sa direktang kontrol ng Comelec ang isang lugar kung may matinding awayan sa pulitika at karahasan sa panahon ng halalan.