PRRD, aminadong si Mayor Sara Duterte na ang nangunguna pagdating sa political decisions

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na ang nangunguna sa political decisions ng kanyang pamilya.

Ani Pangulong Duterte – si Inday Sara ay mas malala sa kanya pagdating sa pagpapatupad ng mga batas.

Sinabi rin ng Pangulo na hindi na siya magiging aktibo sa pulitiko kapag bumaba na siya sa pwesto.


Inalala rin ng Pangulo ang komprontasyon ng kanyang anak sa isang court sheriff noong 2011.

Una nang sinabi ng Pangulo na si Mayor Sara ang nagpatalsik bilang speaker ng Kamara kay Congressman Pantaleon Alvarez.

Facebook Comments