COMELEC, dapat pa ring paigtingin ang cybersecurity sa kanilang system

Pinaaalerto pa rin ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun ang Commission on Elections (COMELEC) na manatiling mapagbantay at paigtingin ang cybersecurity ng kanilang electronic systems.

Kasunod ito ng napaulat na hacking sa server ng poll body.

Ayon kay Fortun, bagamat lumalabas na ang mga datos na umano’y na-hack tulad ng PIN para sa vote counting machines ay non-existent o walang ganitong file, mahalaga pa ring tiyakin ng COMELEC sa publiko ang reliability ng kanilang kapasidad na magsagawa ng automated elections.


Ang mga ganito aniyang alegasyon ay lalo lamang magkakalat ng pagdududa sa integridad ng automated election kaya importanteng matiyak sa publiko na magiging maayos ang gaganaping halalan.

Pinapurihan naman ng mambabatas ang pagiging maagap ng COMELEC para linawin ang naturang isyu.

Facebook Comments