Isyu sa pulitika, isinasantabi muna ni Mayor Isko Moreno

35

Muling iginiit ni Mayor Isko Moreno na hindi muna niya iniintindi sa ngayon ang anumang isyu sa pulitika.

Ayon kay Mayor Isko, bagama’t malapit na ang campaign period iwas muna umano siya sa mga usapin ng pulitika.

Aniya, mas nais niyang matutukan sa ngayon ang kasalukuyang sitwasyon ng publiko partikular ang mga residente ng lungsod ng Maynila sa gitna ng patuloy na pagtaaas ng kaso ng COVID-19 at ng ibang variant nito.


Kaya’t dahil dito, naglalatag sila ng mga programa para mas mapabilis pa ang pagbibigay ng bakuna at nag-iisip na rin ng mga paraan para mapigilan ang hawaan ng COVID-19.

Dagdag pa ni Yorme, mas maiging tutukan muna ang kapakanan ng tao bago ang pamumulitika dahil higit nilang kailangan ang tulong ng gobyerno sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Umaapela rin siya sa publiko na maiging makipagtulungan sa pamahalaan upang sama-samang malapagsan ng maayos ang krisis na kinakaharap.



Facebook Comments