Comelec: Desisyon sa disqualification cases ng mga kandidato ng BSKE, ilalabas ngayon

Reresolbahin ng Commission on Elections (Comelec) sa ngayong linggo ang daan-daang disqualification cases na nakahain sa kanila laban sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, umaabot na sa 125 kaso ng disqualification na hawak nila kung saan tiniyak nito na mailalabas na ang desisyon ngayong linggo bago ang nakatakdang halalan sa Oktubre 30.

Idinagdag pa nito na mula sa Comelec division, umiikot na ang mga resolusyon kung saan ang 125 na ang na-file na disqualification cases ay kanilang reresolbahin.


Kung hindi naman makakapagdesisyon sa isang kaso bago ang araw ng halalan dahil sa kakapusan ng panahon, may kapangyarihan naman ang Comelec para suspindihin ang proklamasyon ng isang kandidato na may nakabinbin na disqualification case.

Facebook Comments