Comelec, handang sumunod sa utos ng Korte Suprema na magsumite ng listahan ng gastusin na kakailanganin para sa inihaing electoral protest ni dating Senator Bongbong Marcos laban kay VP Robredo

Manila, Philippines – Handa namang tumalima ang COMELEC o Commission on Elections sa utos ng Korte Suprema na tumatayo bilang PET o Presidential Electoral Tribunal.

Ito’y para magsumite ng listahan ng mga gastusin na kakailanganin para sa inihaing electoral protest ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay COMELEC Spokesman Dir. James Jimenez, wala namang problema para sa COMELEC ang maglista ng mga gagastusin para sa posibleng re-count gamit ang mga vote counting machines bilang bahagi ng protesta.


Magugunitang aabot sa mahigit dalawandaang libong boto ang lamang ni robredo kay Marcos nitong nakalipas na may 2016 elections na kapwa nakakuha ng mahigit 14 na milyong boto.

DZXL558

Facebook Comments