Bilang ng mga namamatay na sanggol na wala pang edad isang taon nitong 2016, tumaas ng 30 porsyento

137

Venezuela – Kinumpirma ng kanilang health ministry na tumaas ng 30 porsyento ang bilang ng mga namamatay na sanggol na wala pang edad isang taon nitong 2016.

Sa datos, higit 11,000 sanggol ang namatay mas mataas kumpara sa higit 8,000 noong 2015.


Bukod dito, tumaas din ng two-thirds (2/3) ang bilang ng mga inang namamatay sa panganganak.

Ito’y dahil sa epekto ng krisis sa ekonomiya at tensiyong politikal na pinalala ng madudugong protesta sa kalye.

DZXL558

Facebook Comments