Binasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang mungkahing mandatory drug testing sa mga kandidato.
Ayon sa COMELEC, naglabas na ng ruling ang Supreme Court (SC) na nagsasabing labag sa Konstitusyon ang mandatory drug testing sa mga tumatakbo sa halalan.
Ayon kay COMELEC Spokesperson Rex Laudiangco, pinatupad na nila noon ang mandatory drug testing sa mga kumakandidato subalit idinulog ito sa Korte Suprema laban sa kanila.
Una nang hinimok ni Interior Secretary Benjamin Abalos ang lahat ng tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na sumailalim sa drug testing.
Ito ay bilang pakikiisa sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Facebook Comments