MANILA – Nakatakdang maghain ng Motion for Reconsideration si Commission on Election Chairman Andres Bautista hinggil sa naging rekomendasyon ng National Privacy Commission na sampahan siya ng kasong kriminal.Kaugnay ito sa isyu ng “COMELEAK” o umano’y nangyaring pagnanakaw ng personal records ng mga milyong botante noong 2016.Giit ni Bautista – wala siyang ginawang kapabayaan noong nakaraang eleksyon.Katunayan, bumuo pa siya ng task force, anim na Linggo matapos ang data-leak at bago ang halalan para mabawasan ang danyos na maaaring maidulot nito.Dagdag pa ni Baustista, nalulungkot siya dahil sa halip na parusahan ang hackers, sila pa na aniya’y na-hack ang siyang kinakasuhan.
Facebook Comments