MANILA – Nagpatawag ng Special En Banc Session ang Comelec ngayong araw para pag-usapan ang utos ng Korte Suprema kaugnay sa pag iisyu ng resibo sa halalan.Dalawa naman ang opsyon ng Comelec para masunod ito… Una, ang pagre-configure ng Vote Counting Machine (VCM) para makapag-imprenta ng simpleng resibo na walang security feature.Pangalawa ay baguhin ang trusted bill o final software ng VCM para malagyan ng security feature ang source code.Ayon kay Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng Korte Suprema, sa botong 13-0 hindi pinagbigyan ang Motion for Reconsideration ng Comelec.Tiniyak naman ni Comelec Chairman Andres Bautista na susunod sila sa utos, pero hindi nila masisiguro na wala itong negatibong epekto sa kredibilidad ng botohan.
Facebook Comments