Maglalagay ang Commission on Elections (COMELEC) ng provincial technical hubs sa buong bansa.
Sa ginanap na briefing sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms kasama ang COMELEC, sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na ang mga itatalagang technical hubs ang mangunguna sa pagsasaayos ng problema sa Vote Counting Machines (VCMs) at SD cards.
Sa ganitong paraan ay mapapadali ang pag-aayos sa mga kagamitan sa halip na dalhin pa sa kanilang pasilidad sa Sta. Rosa Laguna.
Ang mga tauhan naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Science and Technology (DOST) ang mag-aayos at hahawak sa mga election equipment at tanging administrative support lamang ang gagawin ng COMELEC.
Bubuksan din aniya ang hubs na ito sa political parties at ibang grupo na nais mag-observe.