WANTED PERSON NA EMPLEYADO NG GOBYERNO, ARESTADO SA CAUAYAN CITY

Cauayan City, Isabela- Natimbog ngayong araw, Marso 22, 2022 ang isang wanted person na empleyado ng gobyerno sa bisa ng isinilbing warrant of arrest ng mga otoridad sa kanyang mismong tahanan sa brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang akusado na si Ernel Chavez, apatnaput walong taong gulang, may asawa at residente ng nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa Cauayan City Police Station, si Chavez ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 172 o Falsification of False Documents.

Hindi na ikinulong si Chavez matapos na makapag lagak ng kanyang piyansang 72,000 pesos na inirekomenda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments