Sang-ayon si Senator Koko Pimentel na dapat irespeto ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga campaign materials na nasa loob ng mga pribadong lugar bilang bahagi ng freedom of speech.
Pero diin nito, kapag sobrang malaki ang nakakabit na campaign poster ay maaaring bigyan ng warning at sulatan ng COMELEC ang may-ari ng private property para sumunod sa itinatakda o tamang sukat.
Sabi niya, kapag nabigyan ng warning at sulat ng COMELEC at hindi pa rin sumunod ang may-ari ng pribadong lugar ay pwede silang kasuhan.
Paliwanag ni Pimentel, sa ilalim ng ating election code ay paglabag sa legal na sukat ng campaign materials kung oversized ang naka-display na campaign posters, tarpaulin o streamers.
Iginiit ni Pimentel na kahit nasa private property ay dapat sundin pa rin ang election code na tamang sukat ng campaign materials dahil kung hindi ay mapapaboran dito mga may kaya o mayayaman.