COMELEC, may paalala sa mga kandidato na dadalo sa mga graduation ceremony

Hindi maghihigpit ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidato na dadalo sa mga graduation ceremony.

Partikular ang mga incumbent officials na iimbitahan ng mga paaralan kung saan bibigyan sila ng pagkakataon na magbigay ng pahayag.

Pero paalala ng COMELEC, huwag naman sanang samantalahin ang pagkakataon na ito lalo na’t ang seremoniya ay para sa mga magtatapos na estudyante at hindi para sa kanila.


Bagama’t karamihan sa mga iniimbitahan sa graduation ceremony ay sa elementary at high schools kung saan hindi pa naman bumoboto ang mga estudyante, marami naman magulang ang dadalo rin sa seremoniya.

Bukod dito, muling panawagan ng COMELEC sa mga kandidato na huwag ng balakin pa na tadtarin ng mga campaign posters ang paligid ng mga paaralan dahil ito ay ipinagbabawal sa ilalim ng patakaran sa pangangampaniya.

Facebook Comments