Comelec, may paalala sa mga lokal na kandidato kasabay ng pagsisimula ng campaign period bukas

Pinatatanggal na ng Comelec ang illegal campaign materials ng mga lokal na kandidato.

 

Kasabay ito ng pagsisimula bukas ng campaign period para sa local candidates.

 

Pinayuhan din ni Comelec Spokesman James Jimenez ang mga lokal na kandidato na iwasang makabulabog sa mga residente sa kanilang pangangampanya.


 

Ayon kay Jimenez, dapat ding kontrolin ng local candidates ang kanilang supporters para maging maayos at walang maging problema sa pangangampanya.

 

Idinagdag ni Jimenez na mas madaling pasunurin ngayon ang mga kandidato kumpara noong mga nakaraang halalan , dahil na rin sa pinaiiral ng poll body na shame campaign.

Facebook Comments