Inilatag na ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang ipatutupad na health protocols sa proklamasyon ng mga nanalong senador at partylist groups.
Ayon kay acting COMELEC spokesperson Rex Laudiangco, 3 lamang ang maaaring isama sa proklamasyon ng bawat senador.
Habang sa partylist groups ay hanggang 2 lamang ang maaari nilang isama sa proklamasyon upang matiyak na masusunod ang minimum public health protocols.
Mauunang ipo-proklama sa susunod na linggo ang mga nanalong senador habang wala pang linaw ang petsa ng proklamasyon sa partylists.
Samantala, kinumpirma ng COMELEC na sa 173 na Certificate of Canvass na natanggap ng poll body, 121 na rito ang na-canvas.
Facebook Comments