COMELEC, nagpa-alala sa publiko at mga kandidato kaugnay ng pagsisimula ng election period sa Linggo

Manila, Philippines – Opisyal nang magsisimula ang election period sa darating na Linggo, Jan. 13.

Nagpa-alala naman si COMELEC Spokesman James Jimenez sa mga kandidato na hindi pa ito ang simula ng campaign period.

Kasabay ng pagsisimula ng election period ang pagpapairal ng Gun ban.


Bunga nito, sinabi ni Jimenez na asahan na ang pagkakaroon ng mga checkpoints.

Nilinaw naman ni Jimenez na ang checkpoints ay dapat may malinaw na marking at naka-pwesto sa maliwanag na lugar.

Dapat din aniyang naka-proper uniform ang mga opisyal na magpapatupad ng checkpoints at mayroong pangalan at contact information ng election officer at police officer na in charge dito.

Facebook Comments