COMELEC, nagpaalala sa mga kandidato na magsumite ng kanilang Statement of Contribution and Expenditures

Pinaalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng lumahok sa 2022 elections na magsumite ng kanilang Statement of Contribution and Expenditures (SOCES) kabilang na ang mga umatras sa kandidatura.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, ito ay upang malaman kung saan galing at paano ginastos ng mga kandidato ang kanilang pondo sa kampanya.

Sa ilalim ng Section 14 ng Republic Act 7166, bawat kandidato at treasurer ng political party ay kinakailangan na maghain sa COMELEC ng listahan ng itemized statement ng lahat ng kontribusyon at gastos na may kinalaman sa halalan.


Kailangan itong maisumite sa poll body sa loob ng 30 days matapos ang araw ng halalan.

Nakasaad din sa batas na hindi makakaupo sa puwesto ang sinumang mahahalal na kandidato hangga’t hindi siya naghahain ng SOCE.

Facebook Comments