Bawas presyo sa produktong petrolyo, ipinatupad ng mga kompanya ng langis ngayong araw

63

Ipinatupad na ng mga kumpanya ng langis ang bawas presyo sa produktong petrolyo.

Nauna nang nagbaba ng presyo kaninang hatinggabi ang kumpanyang Caltex ng ₱0.40 sa kada litro ng gasolina, ₱3.10 sa kada litro ng diesel habang ₱2.10 naman sa kada litro ng kerosene.

Habang alas-sais naman kanina nagpatupad ng kaparehong tapyas presyo ang iba pang oil companies maliban sa Cleanfuel na mamaya pang alas-8:01.


Ang bawas presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng patuloy na ipinatutupad na lockdown sa China dahil sa COVID-19 at ang hindi pagkakasundo ng European countries na magpatupad ng oil embargo laban sa Russia.

Facebook Comments