Handa ang Commission on Elections (COMELEC) na magsagawa ng Special Elections sa tatlong pilot provinces sa Mindanao.
Ito ay may kaugnayan sa Electoral Protest ni dating Senador Bongbong Marcos Jr.
Pero sa Twitter post, sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, nasa kamay ito ng Presidential Electoral Tribunal (PET), na siyang dumidinig ng protest case ni Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ang pahayag ng COMELEC ay kasunod ng nakabinbing petisyon ni Marcos na nagpapawalang saysay sa resulta ng halalan sa pagkabise presidente sa Maguindanao, Lanao Del Sur, at Basilan.
Ito ang ikatlong cause of action ni Marcos para ipawalang bisa ang proklamasyon ni Robredo noong 2016 elections.
Giit ng poll body, ang PET ang unang makakatukoy kung mayroong failure of Elections sa mga lugar na bahagi ng protesta ni Marcos.